aKoTo san

joKes lang 'to nuKaba

Unfair!

Bakit ang dami-daming commercial sa local TV sa atin? Minsan nakaka-umay na sya. Minsan, over (rated), pero laging exagge (rated). Yung ibang commercials pa-ulit ulit na lang. At di mo ba napapansin, mostly lahat shampoo o kaya toothpaste. Wala na bang iba?

At di mo ba napapansin, kapag commercial ng shampoo, magandang buhok ang pinapakita parati? Kapag toothpase naman, mga makikintab na kaputi-puti na “kumukuti-kutitap” na ngipin. Kapag underarm deodorants, pinapakita nila yung maputing kili-kili. Eh bakit kapag commercial ng sanitary napkins ayaw nilang ipakita?

Unfair ha?

Filed under: Dyoks Lang, Maikling Post, Wala Lang , , ,

Gaya-gaya puto-maya

Bakit kung minsan tayong mga Pinoys mahilig sa gaya-gaya? Yun bang ayaw patalo parati?

Kailangan bang lahat ng meron sya, meron ka din, meron ako o meron kami?

“Alam mo bumili ako ng bagong jeans sa Levis store”.
Sagot sayo, “ako din bibili din nga eh kasi luma na yung jeans ko”.

Tinatanong ba kita?

“Mag babakasyon kami sa Hong Kong”.
Sagot nya, “Pupunta din kami dyan kasi sale yung tickets”.

Pwede sa ibang lugar naman kayo para maiba naman?

“Pinanood namin yung Slumdog movie, buti na lang nakakuha kami ng ticket kasi fully-booked parati eh? “.
Sagot nya, “Panonoorin nga din namin kasi maganda daw”.

Bakit hindi muna kayo nanood at saka mo na lang sabihin sa akin kung maganda nga?

“Maganda ba ‘tong bagong gupit ko”?
Sagot nya, “magkano binayad mo”?

“500 pesos kasama na yung shampoo, blowdry, etc.”
Sagot nya, “ang mahal naman, dun na lang ako sa may kanto, mura pero maganda ang gupit”.

Meaning, pangit yung gupit na 500 pesos kasi mahal, mas maganda ba dapat ang gupit sa mura?

Pag tinatanong ka sagutin mo ng maayos ok?

Filed under: Ako Ako Ako, Si Ano, Wala Lang , , , , ,

Bakit kaya mahilig sa showbiz ang mga Pinoy?

Bakit kaya mahilig sa showbiz ang mga Pinoy?

Ganito daw kasi eh:

- past time ng mga Pinoy manood ng noontime/talk show kasi masarap naman talagang magbabad sa TV after lunch, diba?

- mga tsismoso/tsismosa daw ang mga Pinoy at gusto nilang malaman ang tungkol sa buhay ng mga artista. “Hello, Big Brother”.

- guilty pleasure lang daw ng mga ilan, pero talagang pinapatulan ang mga nag-lalabasang sex scandals ng mga artista.Mga manyak!

- para malibang ng kaunti, kaya yung mga artista gumagawa ng drama para subaybayan sila ng mga Pinoy.

- gusto nilang maging isang Regine V kaya ang daming singing contest sa TV. Go, Bugoy!

- kung walang artista, walang kakain sa Jollibee, bumili ng Ligo, uminom ng Alaska, mag San Mig sa beerhouse kasi pinopromote sila ng mga artista.

- walang punchline na gagayahin ang mga tao na “you are nothing but a second rate, trying hard, coffee cup” dahil kay Ate Shawee movie.

– atbp.

Kung mahilig ka sa showbiz, pakidagdag na lang sa listahan, pwede?

Filed under: Uncategorized , , ,

‘S’

Question: Bakit ‘S’ ang nasa costume ni Superman?

Wala na kasing medium! Napansin mo, fit masyado, di ba?

mmm.. kaya pala.

Filed under: Uncategorized , ,

Recession

Sa isang opisina, ramdam na ng marami na nag tatanggalan na ng mga empleyado dahil sa mahina ang ekonomiya sa panahon ngayon. Takot ang mga tao na mawalan ng trabaho.

Usap-usapan nila mga ganito:

Manager: mahina ang kita ng kumpanya. kailangan magbawas tayo ng tao.
Supervisor1: iterminate na lang ho natin yung mga madalas tumawag ng sick leave.
Supervisor2: oo nga, at yung walang masyadong ginagawa dito sa opisina.
Manager: oist, teka nagpaparinig ba kayo?

Ikaw nga yun Bossing, wala ka ng ginawa puro na lang tea time break. Mag trabaho naman kayo.

Filed under: Atbp, Maikling Post, Si Ano ,

Check Mo To

Top Posts

  • None

Huli Ka