Di naman. Luma na binago.
Binago ko ang theme, ganda nya diba? Binago ko na din ang title header. Hapon ang tunog diba?
Kung may bago, dapat gamitin, kung luma, kelangan gawin ulet na parang bago. Sa ibang walang nakaka-alam, kapag pers time makita, eh bago na rin. Di mo na kailangan ipagsabi na “huy, bago ‘to, tingnan mo ang tatak”.
Bakit kaya minsan tayong Pinoy mahilig sa bago? Hindi ba pwedeng gamitin yung luma? Hindi na ba sya magandang suutin? Gamitin? Tignan? Kung iisipin mo ang luma mong damit na hindi mo na nagagamit ng matagal, pag sinuot mo parang bago na rin. Kaso nga lang di na sya “uso”. Yuko ng lumang damit, pero kapag gustong gusto ko ang isang bagay, kahit luma na, maganda pa rin sya sa akin.
Kapag Xmas, kailangan bago. Bago ang sapatos mo, bago ang pitaka, bagong gupit. Siguro ‘to talaga ang dapat, hindi dahil sa gusto mo ng bago, gusto mo ring mabago ang buhay mo. Mabago din ang pananaw mo, for the better. Mabago din ang paningin ng tao sayo.
Mas maganda pa siguro kung magbabago tayo hindi dahil may bago kang damit, yun bang pag winarak ang puso mo, makikita mo na nagbago ka na nga. Ang pagbabago ay nasa puso. Keber. OO no, bago mo baguhin ang buong katawan mo, bago natin sasabihin na sana mag bago na ang mga nasa Palasyo, kailangan ikumbinsi natin ang ating sarili na magbago. Naguumpisa ang pag babago sa ating sarili.
Pag inumpisahan mo sya, may susunod sayong dalawa, tapos magigin libo libo na sya, tapos buong Nasyon magbabago na.
New Years resolution baga? Keber. Lagi natin ginagawa ‘to bago mag tapos ang taon. OO no, maglilista ako ng aking pagbabago, hindi man mahirap, pero pag inisip mo na kaya mo, KAYA MO! Kaya? Kayanin mo! Sino ang tutulong sa pagbabago mo kundi ikaw? Keber.
Sana may bago sa akin next year. Magiging model na ako ng Armani Exchange.
Filed under: Ako Ako Ako, Kahit Ano, Wala Lang , Bago, Pagbabago, Luma, Damit, Keber, New Year's resolution